Ang kahalagahan ng
Retorika sa aking kursong Multimedia Arts
Ang Retorika ay isang
mahalagang kaalaman sa pag papahayag na tumtukoy sa kaakit-akit at magandang
pagsasalita o pagsusulat; Pinag aaralan dito ang ukol sa tuntunin ng malinaw,
mabisa, at kaakit akit na pag papahayag.
Masasabi kong napakahalaga ng Retorika
sa aking kurso dahil dito ko mapapakita ang aking talenento sa pagiging isang
Multimedia artist, Pano? Simple lang, sa pamamagitan ng pag papahayag ng aking
mga kaalamanan gamit ang magagandang salita na pweding mag larawan sa aking mga
talento.
Minsan sa ating pag
sasalita tintignan ang ating personalidad bilang isnag tao. Makikita dito kung
hanggang saan ang ating mga kaalamanan sa isang bagay at dito rin tinitignan
kung gano kalalim ang isang tao. Bumalik tayo sa tanong na, Ano ang kahalagahan
ng Retorika sa aking kurso? Mahalaga ang retorika para sa aking kurso, dahil
dito masusukat o makikita kung hanggang saan ang kaalamanan na meron ako
tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa aking kurso. Tulad na nga lang ng
aking sinabi sa aking unang pahayag, magagamit ko ang retorika upang mapakita
sa mga tao kung ano ang talento na meron ako pag dating sa pagiging isang
“artist”.
Ang Retorika ay
magagamit ko sa aking araw araw na pamumuhay bilang isang “Multimedia artsist
student” para ito’y mag bigay daan sa mga aktibidad na ginagawa ng isang tulad
kong istudyante, kagaya ng pakikipag usap sa mga ibang tao, gaya ng aking mga
propesor sa aking paaralan, cliente na mag papagawa ng mga proyekto saakin, at
mga kagrupo na makakasama ko sa mga ibang proyekto. Pwedi ko din itong magamit
sa pakikipag argumento sa mga bagay bagay, dahil ito ay tanda ng pagbibigay
diin sa mga nais kong iparating, at higit sa lahat paghahanap ng impormasyon o
kaalamanan sa isang bagay na maaring magamit ko para sa aking kurso. Sapagkat kailangan ko ring matuto sa mga
ibang bagay upang mas malinang ang aking pag iisip sa pagiging isang “artist”.
No comments:
Post a Comment