Sunday, August 16, 2015

Ang kahalagahan ng Retorika sa aking kursong Multimedia Arts

Ang Retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pag papahayag na tumtukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita o pagsusulat; Pinag aaralan dito ang ukol sa tuntunin ng malinaw, mabisa, at kaakit akit na pag papahayag.


          Masasabi kong napakahalaga ng Retorika sa aking kurso dahil dito ko mapapakita ang aking talenento sa pagiging isang Multimedia artist, Pano? Simple lang, sa pamamagitan ng pag papahayag ng aking mga kaalamanan gamit ang magagandang salita na pweding mag larawan sa aking mga talento.


Dahil sa mga magagandang salita na aking magagamit ay pwedi akong makapanghikayat ng mga cliente na pweding mag pagawa ng mga proyekto saakin. Tulad na nga lang ng ginagawa ng ibang mga negosyante, sila ay nang “SASALESTALK” upang makabenta o makapang hikayat ng mga tao na bumili ng kanilang mga produkto.  Nagagamit ko rin ito upang maipaintindi saaking mga cliente ang nais kong maipairating o gagawin ko sa isang proyekto na ipanapatrabaho nila saakin. Ngunit hindi lang sa panghihikayat ito pweding gamitin, pwedi din itong magamit sa mga kagrupo ko sa isang proyekto. Dahil sa kaalamanan ko na ipahayag ang isang bagay, maipaparating ko sa kanila ang aking ideya para sa aming proyekto na gagawin. Isa din itong ensayo para sa pag tapak namin sa mundo ng pagiging isang trabahador bilang “artist” upang masanay kami sa pakikipag usap sa mga leader o kabilang sa kompanya na aming papasukan gamit ang mga tamang salita.

Minsan sa ating pag sasalita tintignan ang ating personalidad bilang isnag tao. Makikita dito kung hanggang saan ang ating mga kaalamanan sa isang bagay at dito rin tinitignan kung gano kalalim ang isang tao. Bumalik tayo sa tanong na, Ano ang kahalagahan ng Retorika sa aking kurso? Mahalaga ang retorika para sa aking kurso, dahil dito masusukat o makikita kung hanggang saan ang kaalamanan na meron ako tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa aking kurso. Tulad na nga lang ng aking sinabi sa aking unang pahayag, magagamit ko ang retorika upang mapakita sa mga tao kung ano ang talento na meron ako pag dating sa pagiging isang “artist”.

Ang Retorika ay magagamit ko sa aking araw araw na pamumuhay bilang isang “Multimedia artsist student” para ito’y mag bigay daan sa mga aktibidad na ginagawa ng isang tulad kong istudyante, kagaya ng pakikipag usap sa mga ibang tao, gaya ng aking mga propesor sa aking paaralan, cliente na mag papagawa ng mga proyekto saakin, at mga kagrupo na makakasama ko sa mga ibang proyekto. Pwedi ko din itong magamit sa pakikipag argumento sa mga bagay bagay, dahil ito ay tanda ng pagbibigay diin sa mga nais kong iparating, at higit sa lahat paghahanap ng impormasyon o kaalamanan sa isang bagay na maaring magamit ko para sa aking kurso.  Sapagkat kailangan ko ring matuto sa mga ibang bagay upang mas malinang ang aking pag iisip sa pagiging isang “artist”.


Sa aking kursong Multimedia Arts, Hindi lang puro talento sa pag gawa o pag didisenyo ng isang bagay ang kailangan. Kailangan din dito ang pakikipag usap nang may saysay at mabisang paraan upang makapang hikayat ng mga tao mag papagawa sayo ng mga proyekto. Sa pamamagitang ng Retorika, mag kakaron ako ng kumpyansa sa aking sarili na maipahayag sa mga taong nasa aking harapan upang maipaintindi sakanila ang mga bagay na nais kong ipahiwatig.